header image
 

Maalala Mo Sana

Natupad din ang aking pangarap
na ipagtapat sayo.
Ibubulong ko na lamang sa alapaap
ang sigaw ng damdamin ko.

Sulyapan mo lang sana ang langit
baka sakaling marinig nang puso mo
ang tinig ko…

Maalala mo sana ako
dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko.
Bawat sandali na ikaw ay kasama
para bang di na tayo muling magkikita.

Kaya ngayon aaminin na sayo
na mahal na mahal kita.
Maalala mo sana…

Naitago ko pa ang lahat
ng iyong mga liham.
Unang ngiti mga yakap mo’y
di naalis saking isipan.

Tutugtog ako ng guitara
baka sakaling sumagi sa isip mo
ang mga pangako…

Maalala mo sana ako
dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko.
Bawat sandali na ikaw ay kasama
para bang di na tayo muling magkikita.

Maalala mo sana ako
dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko.
Bawat sandali na ikaw ay kasama
para bang di na tayo muling magkikita.

Kaya ngayon aaminin na sayo
na mahal na mahal kita…
na mahal na mahal kita…
Maalala mo sana…

~ by thearchangel on April 28, 2007.

Leave a Reply